Hunyo 2, 2024, Singapore – Matapos ipinid ang ika-21 Shangri-La Dialogue (SLD), ipinahayag ng delegasyong Tsino, na pinangangalagaan ng Tsina ang kapayapaan at ipinagkakaloob ang mas maraming produkto ng pampublikong seguridad sa komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Dagdag nito, ang mga inisyatibang tulad ng Community with a Shared Future for Mankind, Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative ay mga pangkalahatang ideya ng Tsina sa paghawak ng relasyon sa pagitan ng mga bansa at mga mainit na isyung panseguridad sa mundo.
Patuloy na palalakasin ng Tsina ang kooperasyon sa mga bansa sa Asya-Pasipiko at iba’t-ibang may kinalamang panig para magkasamang itatag ang komunidad ng Asya-Pasipiko na may pinagbabahaginang kinabukasan, saad pa ng delegasyong Tsino.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio