Pagtitigil ng aksyong militar sa Syria, ipinanawagan ng Tsina

2024-08-29 16:27:36  CMG
Share with:

Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC), Agosto 28, 2024, hinimok ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN) ang Israel na itigil ang pag-atake sa Syria.

 

Nanawagan din siya sa mga may kinalamang bansa na itigil ang ilegal na pagtatalaga ng tropa sa bansa.

 

Umaasa aniya ang Tsina na patitingkarin ng ilang malaking bansa sa labas ng rehiyon ang konstruktibong papel para mapalamig ang situwasyon sa rehiyong ito.

 

Charred cars lie in a parking lot in the aftermath of an Israeli strike in Damascus, Syria, July 14, 2024. /CFP


Ani Geng, hinihimok din ng Tsina ang lahat ng panig na tuparin ang kanilang mga pangako sa pagbibigay ng tulong sa Syria at tiyaking ang mga makataong proyekto sa Syria ay magkakaroon ng sapat na pondo.

 

Ang mga unilateral na parusa at ilegal na pandarambong ay dapat agarang itigil, aniya pa.

 

Salin: Qiu Siyi

 

Pulido: Rhio