Tatlong katao, patay sa impeksyon ng West Nile virus sa Romania

2024-08-30 16:48:33  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng National Institute of Public Health (INSP) ng Romania, Agosto 29, 2024, mula nang sinimulan ang pagsubaybay sa impeksyon ng West Nile virus noong Hunyo ngayong taon, nakapagtala ang bansa ng 23 kumpirmadong kaso at tatlong pagkamatay.

 

Nakasaad sa naturang ulat na ang mga kaso ng impeksyon ng West Nile virus ay pangunahing nakatutok sa kabisera ng Bucharest at hilagang-silangang lalawigan ng Suceava. Karaniwan itong naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok at sa kasalukuyan, walang pang bakuna o epektibong lunas para rito.

 

Nagsumite ang INSP ng isang serye ng mga mungkahi sa proteksyon sa publiko, kabilang ang pag-iwas sa mga lugar na maraming lamok, pagsusuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, paggamit ng mga produktong panlaban sa lamok, paglalagay ng mga kulambo, at maayos na pagtatapon ng basura.


Salin: Zhong Yujia

Pulido: Ramil