10,000 na, freight trips sa pagitan ng Tsina at Europa

2024-07-16 17:19:06  CMG
Share with:

Isinalaysay Martes, Hulyo 16, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pagpasok ng kasalukuyang taon, umabot na sa 10,000 ang kabuuang bilang ng mga freight trip sa pagitan ng Tsina at Europa, at lampas sa isang milyon Twenty-foot Equivalent Unit (TEUs) ang kabuuang bolyum ng inihatid na paninda, na lumaki ng 11% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kabilang dito, magkakahiwalay na lumaki ng 13%, 20% at 5% ang bilang ng mga freight trip sa tatlong pangunahing linya ng transportasyon sa kanluran, gitna at silangang Europa, ayon sa pagkakasunud-sunod; samantalang tumaas naman ng 15 ulit ang bilang ng mga freight trip sa katimugang linya, bagay na nakapagpatingkad ng makabagong lakas-panulak sa paggarantiya sa katatagan ng kadena ng produksyon at suplay, at pagpapasulong sa ugnayang pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Europa, dagdag niya.

 

Tinukoy ni Lin na sa kasalukuyan, ang China-Europe freight train ay umaabot sa 224 lunsod ng 25 bansang Europeo, at pinag-uugnay nito ang mahigit 100 lunsod sa 11 bansang Asyano.

 

Aniya, sa hinaharap, patuloy na uunlad ang nasabing freight train tungo sa mas de-kalidad, episyente, at ligtas na direksyon, upang pasiglahin ang paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil