Li Xi, nakipagpulong sa pangalawang punong ministro at ministro ng serbisyo sibil ng Kambodya

2024-08-30 17:50:27  CMG
Share with:

Nakipagkita Agosto 29, 2024, sa Beijing, si Li Xi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC, kay Hun Many, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Serbisyo Sibil ng Kambodya.

 

Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Kambodya para ipatupad ang mga mahalagang konsensus na narating ng mga lider ng dalawang partido at bansa, palakasin ang estratehikong komunikasyon, palalimin ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala ng partido at bansa, isulong ang praktikal na kooperasyon sa iba't ibang larangan, at palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga rehiyonal at internasyonal na usapin.

 

Mataas na pinapurihan naman ni Hun Many ang napakalaking tagumpay na nakamit ng mga mamamayang Tsino sa ilalim ng pamumuno ng CPC, at matatag aniyang itinataguyod ng Kambodya ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina.

 

Nakahanda aniya ang Kambodya na ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Tsina, palalimin ang interaksyon ng mga partido at pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala ng bansa.


Salin: Qiu Siyi

Pulido: Ramil