Thursday, 24  Apr

Pagde-deploy ng missile system ng Amerika sa Pilipinas, mariing tinututulan ng Tsina

2024-09-01 17:50:16  CMG
Share with:

 

Sinabi Agosto 30, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ilang beses nang ipinahayag ng panig Tsino ang pagtutol sa pagde-deploy ng Amerika ng Mid-Range Capability missile system sa Pilipinas.

 

Diin niya, ang aksyong ito ng Amerika at Pilipinas ay nag-uudyok ng komprontasyong heopulitikal, nagpapalala ng rehiyonal na tensyon, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

 

Ito ay nagdudulot ng pagkabalisa, at nag-uudyok ng pag-iingat sa mga bansa sa rehiyon, dagdag ni Lin.

 

Aniya pa, kailangang malinaw na maunawaan ng Pilipinas ang tunay na intensyon ng Amerika sa isyung ito, positibong tugunan ang komong pagkabalisa ng mga bansa, iwasang malugi ang sariling interes na panseguridad dahil sa mga tangka ng Amerika, at agarang paalisin ang naturang missile system batay sa pangako nito sa publiko.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan