49.1, PMI ng manupaktura ng Tsina noong Agosto

2024-09-01 17:53:08  CMG
Share with:


Ayon sa opisyal na datos na inilabas ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, Agosto 31, 2024, 49.1 ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng sektor ng manupaktura ng Tsina.

 

Nilinaw nito, na dahil sa negatibong epekto sa aktibidad ng manupaktura na dulot ng mainit na temperatura, patuloy at malakas na ulan, at off-season ng ilang industriya, bahagyang bumaba ang nasabing indeks kumpara sa 49.4 noong Hulyo.

 

Samantala, tumaas noong Agosto ang kapuwa PMI para sa mga sektor ng hay-tek at kagamitan, at ang mga ito ay nasa itaas ng boom-bust line ng 50, dagdag nito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan