Masamang panahon ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ni dating pangulong Iranyo – ulat ng Iran

2024-09-02 16:24:17  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, Setyembre 1, 2024, ng General Staff ng Sandatahang Hukbo ng Iran, masamang panahon ang dahilan ng pagbagsak ng sasakyang panghimpapawid na ikinamatay ni dating Pangulong Ebrahim Raisi ng bansa at ng kanyang mga kasamahan.

 

Anito, pangunahing dahilan ng pagbagsak ng helikopter ay ang makapal na hamog at iba pang masamang kondisyon ng panahon, at walang natagpuang palatandaan ng sadyang-paninira o sabotahe.

 

Ayon sa ulat, lahat ng pangunahing pagkukumpuni at pagpapalit ng mga mahahalagang bahagi ng helikopter ay isinagawa ayon sa mga pamantayan, at nakumpirma rin na ang helikopter ay lumipad sa itinakdang ruta nang walang paglihis.

 

Salin: Wang Lezheng

Pulido: Rhio