Tumatayong Ministrong Panlabas ng Iran: determinado ang Iran sa pagtatanggol sa pambansang seguridad

2024-08-02 12:48:13  CMG
Share with:

Magkakahiwalay na ipinadala Agosto 1, 2024, ni Ali Bagheri, Tumatayong Ministrong Panlabas ng Iran, ang liham sa Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), Tagapangulo ng United Nations Security Council (UNSC), at Pangkalahatang Kalihim ng Organisasyon ng Islamikong Kooperasyon (OIC), na nagsasabing determinado ang Iran na gawin ang lahat ng kinakailangang aksyon para ipagtanggol ang pambansang seguridad.


Sa kanyang liham, nanawagan si Bagheri sa internasyonal na komunidad na kondenahin ang pagpatay ng Israel kay Ismail Haniyeh, pinuno ng Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas).

 

Hiniling din niyang idaos ang espesyal na pulong ng UNSC at pulong ng mga ministrong panlabas ng OIC, para patigilin ang Israel sa patuloy nitong paggawa ng krimen laban sa mga Palestino.

 

Salin: Shi Weiyang

Pulido: Ramil