Pinag-iisipan ng Tsina ang pagpaplakas ng bagong industriyalisasyon upang magbigay ng matatag na suporta sa pagsusulong ng modernisasyong Tsino, ayon kay Ministro Jin Zhuanglong ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina.
Pabibilisin aniya ng Tsina ang pag-unlad ng modernong sistemang pang-industriya na may modernong pagmamanupaktura bilang gulugod, pasusulungin ang mas malalim na pagsasama-sama ng tunay na ekonomiya at didyital na ekonomiya, pabubutihin ang katatagan at seguridad ng mga kadena ng industriya at suplay, at itataguyod ang mataas na kalidad na pag-unlad ng maliliit at katam-tamang negosyo.
Salin: Yan Jiayue
Pulido: Rhio
Pagpapahigpit ng pandaigdigang kooperasyon sa industriya ng robot, ipinanawagan ng premyer Tsino
Industriya ng makinarya ng Tsina, matatag at may bagong lakas sa unang hati ng 2024
Mabilis na pag-unlad, dulot ng industriya ng durian ng Tsina
Industriya ng paggawa ng barko ng Tsina, lumago sa unang hati ng 2024