Kaugnay ng pagpapasulong ng industriya ng robot sa pamamagitan ng mas mahigpit na pandaigdigang kooperasyon, sinabi, Agosto 25, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina na kailangang itatag ang isang bukas na kapaligiran ng inobasyon ng teknolohiya at suportahan ang pamumuhunan ng mga dayuhang kompanya at institusyon sa Tsina.
Sa parehong araw, bumisita si Li sa 2024 World Robot Expo na idinaos sa Beijing.
Aniya, dapat itatag at maayos na gamitin ang plataporma ng kooperasyon at pagpapalitan ng industriya, pangalagaan ang kaayusan at katatagan ng kadena ng industriya at suplay, at pasulungin ang inobasyon ng teknolohiya ng industriya ng robot.
Sa ilalim ng temang "Co-fostering New Quality Productive Forces for a Shared Intelligent Future" binuksan ang nasabing ekspo Agosto 21.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio