Mabilis na pag-unlad, dulot ng industriya ng durian ng Tsina

2024-07-22 13:22:58  CMG
Share with:

Napag-alaman mula sa 2024 China-ASEAN Durian Industry Seminar, Hulyo 21, 2024, lunsod Sanya, lalawigang Hainan, dakong timog ng Tsina, malaking pag-unlad ang idinudulot ng industriya ng lokal na durian sa bansa.


Ayon sa datos, umabot sa halos 50 tonelada ang produksyon ng durian sa Sanya noong 2023.


Ito ang unang malakihang bilang ng durian na inani sa lokalidad.


Ngayong taon, ang kabuuang lugar-taniman ng durian sa Hainan ay nasa 2,667 ektarya, at inaasahang aabot sa 250 tonelada ang produksyon.


Ang 2024 China-ASEAN Durian Industry Seminar ay ginanap mula Hulyo 19 hanggang 21, 2024.


Salin: Yan Jiayue

Pulido: Rhio