Magkakahiwalay na nakipagtagpo ngayong araw, Setyembre 3, 2024 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider ng Aprika na kalahok sa 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Sa kanyang pakikipagtapo kay Pangulong William Samoei Ruto ng Kenya, tinukoy ni Xi na palagiang nagtutulungan ang Tsina at Kenya para manguna sa pagtutulungan ng pagbuo ng Belt and Road.
Ito aniya ay nagpapasulong ng pag-unlad ng panrehiyong kabuhayan at lipunan at nagdudulot ng kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Umaasa si Xi na patuloy na mapapalalim ng dalawang bansa ang komprehensibong estratehiko at kooperatibong partnership.
Ipinahayag ni Ruto na aktibong kinakatigan ng kanyang bansa ang mga mahalagang mungkahi na iniharap ni Xi at matatag na iginigiit ang prinsipyong isang-Tsina.
Aniya, kasama ng Tsina, nakahanda ang Kenya na pahigpitin ang multilateral na kooperasyon at pagkatig sa isa’t isa.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Mahamat Idriss Deby Itno ng Chad, sinabi ni Xi na kasama ng Chad, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang pag-uugnayan ng estratehiya ng pag-unlad at pasulungin ang bagong progreso ng relasyon ng dalawang bansa.
Hinangaan naman ni Mahamat ang natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad at mga mahalagang ideya at mungkahi na iniharap ni Pangulong Xi.
Saad pa nito na patuloy at matatag na igigiit ng Chad ang prinsipyong isang-Tsina.
Sa kanilang pakikipagtagpo, ipinatalastas nila ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa estratehikong partnership.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Lazarus McCarthy Chakwera ng Malawi, tinukoy ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pasulungin ang mapagkaibigang kooperasyon at komong pag-unlad ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Chakwera na kinakatigan ng kanyang bansa ang konstruksyon ng mekanismo ng FOCAC.
Umaasa aniya siyang patuloy na pasusulungin ang kooperasyon ng Belt and Road at pahihigpitin ang panrehiyong konektibidad.
Ipinahayag ng dalawang pangulo ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa antas ng estratehikong partnership.
Bukod dito, nakipagtagpo din sa parehong araw si Xi kay Moussa Faki Mahamat, Tagapangulo ng Komisyon ng African Union (AU).
Tinukoy ni Xi na kinakatigan ng panig Tsino ang pagganap ng AU ng mas malaking papel sa mapagkaibigang usapin ng Tsina at Aprika.
Nakahanda rin aniya ang Tsina na pasulungin ang pagkamit ng dalawang panig ng mas maraming bunga ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Ipinahayag ni Faki na matatag na iginigiit ng AU ang prinsipyong isang-Tsina.
Umaasa aniya siyang gaganap ng mas malaking papel ang Tsina para tulungan ang pagsasakatuparan ng modernisasyong Aprikano.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil