Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa mga pangulo ng bansang Aprikano

2024-09-02 15:25:15  CMG
Share with:

Magkahiwalay na nakipagtagpo ngayong araw, Setyembre 2, 2024 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang mga counterpart na sina Félix-Antoine Tshisekedi Tshilombo ng Democratic Republic of the Congo; Ismail Omar Guelleh ng Djibouti; Faure Essozimna Gnassingbé ng Togo; at Azali Assoumani ng Comoros.

 

Ang nasabing mga lider Aprikano ay dadalo sa 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

 

Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa kanilang pagdating sa FOCAC.

 

Ani Xi, sa idaraos na FOCAC, itatakda ng Tsina at mga bansang Arpikano ang mahahalagang hakbangin para pasulungin ang relasyon ng dalawang panig at magkasamang konstruksyon ng modernisasyon.

 

Kasama ng mga bansang Aprikano, nakahanda ang Tsina na palalimin ang pagtitiwalaan, at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, dagdag niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio