MOFA: ang kapayapaan at seguridad ay isa sa mga pangunahing paksa ng FOCAC

2024-09-04 16:57:58  CMG
Share with:

Sa isang regular na press conference, ipinahayag Setyembre 4, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pagsasakatuparan ang pangmatagalan at unibersal na seguridad ay komong aspirasyon ng mga mamamayan ng Tsina at Aprika.

 

Ang kapayapaan at seguridad aniya ay isa sa mga pangunahing paksa ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

 

Inaasahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa mga bansang Aprikano para magkasamang isakatuparan ang Global Security Initiative, magkasamang tugunan ang mga hamon sa seguridad, at magkasamang isulong ang kapayapaan at pag-unlad ng mundo, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil