Bapor na ilegal na nakatigil sa Xianbin Jiao, dapat alisin – MOFA

2024-09-02 17:02:00  CMG
Share with:

Hiniling Lunes, Setyembre 2, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina sa panig Pilipino na agarang paalisin ang bapor na ilegal aniyang nakatigil sa Xianbin Jiao, at ihinto ang paglapastangan sa karapatan at probokasyon sa Tsina.

 

Ani Mao, ang Xianbin Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina.

 

Nitong Agosto 31, sinadya aniyang binangga ng bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) na Teresa Magbanua ang bapor ng China Coast Guard (CCG).

 

Ito aniya ay di-propesyonal at mapanganib.

 

Diin ni Mao, makatuwiran, lehitimo, at walang kapintasan ang pagsasagawa ng panig Tsino ng kinakailangang hakbangin alinsunod sa batas ng Tsina.

 

Aniya, ang kaukulang aksyon ng panig Pilipino ay malubhang lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, at grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Isasagawa ng panig Tsino ang matatag at mabisang hakbangin alinsunod sa batas ng Tsina, upang ipagtanggol ang sariling soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat, at pangalagaan ang pagiging seryoso’t mabisa ng DOC, dagdag ni Mao.

 

Samantala, nakahanda aniya ang Tsina na panatilihin ang pakikipagdiyalogo’t pakikipag-ugnayan sa panig Pilipino, sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel, para maayos na hawakan ang kaukulang isyu, at kontrulin ang situwasyong pandagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio