Sa nakalipas na dekada, ang kooperasyong Sino-Aprikano ay kapwa kapaki-pakinabang tungo sa de-kalidad na pag-unlad at natamo nito ang maraming bunga.
Lubos nitong pinapatunayan na kung ano ang itinuro ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang kamakailangang tugon sa mga iskolar ng 50 Aprikanong bansa: “Tsina at Aprika ay palagiang isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.”
Binuksan Setyembre 4, 2024, sa Beijing, ang 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) at bilang modelo ng South-South Cooperation, ang FOCAC ay naging malaking pamilya na mayroong 55 miyembro pagkaraan ng 24 na taong pag-unlad.
Bakit ba nagiging mas mahigpit ang kooperasyong Sino-Aprikano? Ito ay dahil ang magkabilang panig ay may mga adhikain sa pag-unlad para maisakatuparan ang modernisasyon, at mayroon din silang responsibilidad sa pangangalaga sa komong interes ng mga umuunlad na bansa.
Binigyan-diin ni Pangulong Xi na ang pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon sa mga umuunlad na bansa na gaya ng Aprika ay pundasyon ng diplomasya ng Tsina. Titiyakin sa 2024 summit ng FOCAC ang bagong pagpoposisyon ng relasyong Sino-Aprikano, bagay na magdadala ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayang Tsino at Aprikano, at higit pang magbibigay ambag sa “puwersang Sino-Aprikano” para sa pagpapasulong ng modernisasyon ng daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil