Ayon sa white paper na pinamagatang China's Energy Transition na inilabas Agosto 29, 2024 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Sentral ng Tsina, nitong 10 taong nakalipas, aktibong pinapasulong ng Tsina ang pagbabago sa estruktura ng enerhiya at pagbibigay ng mahalagang ambag para sa berdeng pag-unlad ng buong daigdig.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng buong daigdig ang mga hamon na gaya ng seguridad ng enerhiya at pagharap sa pagbabago ng klima.
Bilang tugon sa mga ito, aktibong pinapasulong ng Tsina ang pag-unlad ng malinis na enerhiya na gaya ng pagdaragdag ng bolyum ng kuryente na nilikha ng malinis na enerhiya, at pagbabawas ng bolyum ng konsumo ng enerhiya ng unit GDP.
Bukod dito, aktibong ipinagkakaloob din ng Tsina ang mga pasilidad ng renewable energy sa pamilihang pandaigdig na gaya ng pasilidad ng wind power at photovoltaic power generation.
Sa kabilang dako naman, ang pagpapasulong ng Tsina sa pag-unlad ng berdeng enerhiya ay nagkakaloob din ng mga pagkatataon para sa mga dayuhang bahay-kalakal, at kooperasyong pandaigdig.
Masasabing ang pagpapasulong ng Tsina sa pag-unlad ng berdeng enerhiya ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng enerhiya ng daigdig at sa susunod na yugto, magbibigay ang Tsina ng mas maraming ambag para rito.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil