Sa kanyang pakikipagtagpo kay Jake Sullivan, Pambansang Tagapayong Panseguridad ng Amerika, Agosto 29, 2024 sa Beijing, idiniin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang unang kondisyon ng pagpapalagayan ng Tsina at Amerika ay dapat itatag ang tamang estratehikong pananaw sa isa’t isa.
Umaasa si Xi na magtutulungan ang dalawang bansa para hanapin ang tamang landas ng mapayapang pakikipamuhayan at magkasamang pag-unlad.
Muling inulit naman ni Sullivan ang mga pangako ng Amerika at umaasa siyang pananatilihin ang estratehikong komunikasyon sa panig Tsino at hahanapin ang paraan ng mapayapang pakikipamuhayan ng dalawang bansa at sustenableng pag-unlad ng kanilang relasyon.
Kung sasariwain ang mga karanasan ng pagpapalagayan ng dalawang bansa noong nakaraang ilang taon, palagiang sinusunod at isinasakatuparan ng panig Tsino ang prinsiyong paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon.
Kahit paulit-ulit na inihayag ng panig Amerikano ang mga pangako nito sa Tsina, dapat mas mahalagang isakatuparan ang mga ito.
Halimbawa, ibinenta ng Amerika ang mga sandata sa Taiwan, ipinataw ang taripa sa mga iniluluwas na produkto ng Tsina at isinagawa ang sangsyon laban sa mga bahay-kalakal ng Tsina.
Kaya, kung hindi itatakwil ng Amerika ang mga patakaran at hakbangin nito sa pagpigil ng pag-unlad ng Tsina, hindi magiging mainam ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa buong daigdig. Hindi lamang ito may kinalaman sa kani-kanilang pambansang interes, kundi nakakaapekto rin sa pag-unlad ng kalagayang pangdaigdig.
Kaya may responsibilidad ang dalawang bansa para hanapin ang tamang landas ng mapayapang pakikipamuhayan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil