Sa pangkagipitang pulong ng United Nations Security Council (UNSC), Setyembre 4, 2024, hinimok ni Geng Shuang, Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang mga bansang may malaking impluwensiya sa rehiyon, na isagawa sa pamamagitan ng tapat at responsableng atityud ang mga konkretong hakbang para matigil ang labanan sa Gaza.
Kinokondena aniya ng Tsina ang lahat ng uri ng karahasan laban sa mga sibilyan, at tinututulan ang lahat ng paglabag sa internasyonal na batas at internasyonal na batas pantao.
Muling nananawagan ang panig Tsino para sa higit pang diplomatikong pagsisikap upang itaguyod ang agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bihag, maging sila man ay mga Israeli o Palestinian, upang sila'y makauwi sa lalong madaling panahon, aniya pa.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Rhio