Xi Jinping, nakipagtagpo kay Pangulo ng Cameroon

2024-09-05 16:38:46  CMG
Share with:

Nakipagtagpo, Setyembre 4, 2024, sa Great Hall of the People, Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Paul Biya ng Cameroon.

 

Inihayag ng dalawang lider ang pagpapataas ng relasyong Sino-Cameroonian sa komprehensibong estratehikong kooperatibong partnership.

 

Sinabi ni Xi na nakahandang makipagtulungan ang Tsina sa Cameroon para bumuo ng mas malalim at mas makabuluhang ugnayan ng pagkakaibigan at kooperasyon, na magtutulak sa relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.

 


Ipinahayag naman ni Biya na matatag na nananangan ang Cameroon sa patakarang isang-Tsina, pinahahalagahan at sinusuportahan ang mga pandaigdigang inisyatiba na iminungkahi ni Xi, at handa silang palakasin ang multilateral na kooperasyon sa Tsina para itaguyod ang pandaigdigang pamamahala na mas nakatuon sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at internasyonal na katarungan.


Salin: Qiu Siyi


Pulido: Rhio