Pandaigdigang kalakalan ng mga paninda, bumabangon sa ika-3 kuwarter

2024-09-05 15:06:42  CMG
Share with:

Ipinakikita ng pinakabagong "Goods Trade Barometer" na inilabas, Setyembre 4, 2024, ng World Trade Organization (WTO) na nananatili sa ika-3 kuwarter ng taong ito ang pagbuti ng pandaigdigang kalakalan ng mga paninda.

 

Anang ulat, ang pandaigdigang goods trade prosperity index ay 103, na mas mataas kaysa sa benchmark na 100.

 

Ipinapakita ng indeks, na lumalaki ang halaga ng pandaigdigang kalakalan ng mga paninda sa ika-2 at ika-3 kuwarter ng 2024.

 

Subalit sinabi rin ng ulat, na nananatiling walang katiyakan ang prospek ng pandaigdigang kalakalan dahil sa tumitinding heopolitikal na mga panganib, patuloy na mga salungatan sa rehiyon, pagbabago sa mga patakaran sa pananalapi sa mau-unlad na ekonomiya, at pagliit ng mga order para sa pagluluwas.