Peng Liyuan at mga kabiyak ng mga lider na Aprikano, dumalo sa komperensyang nakapokus sa kababaihang Tsino’t Aprikano

2024-09-06 11:48:44  CMG
Share with:

Sa panahon ng 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), ginanap Huwebes, Setyembre 5, 2024 sa Beijing ang komperensyang may temang “Join hands to empower women through education in China and Africa.”

 


Sa kanyang talumpati sa komperensya, inihayag ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Espesyal na Sugo ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) sa Pagpapasulong sa Edukasyon ng Batang Babae at Kababaihan, na ang Tsina at Aprika ay komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 


Aniya, sa pamamagitan ng kani-kanilang sigasig, katalinuhan at ambag, nilikha ng mga kababaihang Tsino’t Aprikano ang maluningning na kabanata ng pagkakaisa, pagtutulungan at kapit-bisig na pag-abante.

 

Sa biyahe ng pagpapasulong sa usapin ng edukasyon ng kababaihan at pagtungo sa magandang kinabukasan, may komong mithiin at hangarin ang Tsina at Aprika, kaya dapat magkasamang pasulungin ng kapuwa panig ang edukasyon ng batang babae at kababaihan sa buong mundo, tungo sa mas makatarungan, inklusibo at de-kalidad na direksyon, dagdag ni Peng.

 


Kasali rito ang mga kabiyak ng mahigit 20 bansang Aprikano.

 

Nanood si Peng, kasama ng mga panauhing Aprikano sa pagkanta ng mga bata at Peking Opera.

 


Bumisita rin sila sa pagtatanghal ng tradisyonal na kultura at natamong bunga ng edukasyon ng kababaihan ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil