
Sa kanyang tatlong araw na pagdalaw sa Mongolia mula Setyembre 6 hanggang 8, 2024, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa, kasama ng Mongolia, na palalimin ang bilateral na relasyon at palawakin ang kooperasyon.
Magkakasunod siyang kinatagpo sa Ulaanbaatar, kabisera ng Mongolia nina Punong Ministro Luvsannamsrai Oyun-Erdene, Pangulong Ukhnaa Khurelsukh, at Ispiker Dashzegve Amarbayasgalan ng Parliamento ng bansa.
Ani Han, kasama ng Mongolia, nais ng Tsina, na palakasin ang kooperasyon sa enerhiya, konektibidad, konstruksyon ng imprastruktura, at iba pa, palalimin ang konsultasyon at koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at palalimin ang pagpapalitan sa pagitan ng mga kabataan, estudyante, at media.
Ipinahayag naman ng mga lider ng Mongolia ang kahandaang pasulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership sa Tsina, at pataasin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan