Nagtagpo kahapon, Setyembre 9, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Jonas Gahr Store ng Norway.
Binigyang-diin ni Xi na ang ekonomiya ng Tsina at Norway ay lubos na komplementaryo at ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan ay nagbunga ng mabungang resulta.
Sinabi niya na maaaring pahigpitin ng dalawang bansa ang aktuwal na kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligiran, paglalayag, produkto ng agrikultura at pangingisda, at electric vehicle.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Norway, na pahigpitin ang komunikasyon at kooperasyon sa multilateral na mga plataporma na gaya ng United Nations (UN) at praktika ng tunay na multilateralismo.
Umaasa ang Tsina na gaganap ang Norway ng positibong papel para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-EU, ani Xi.
Ipinahayag naman ni Store na iginagalang ng Norway ang soberanya ng Tsina, iginigiit ang prinsipyong isang-Tsina at nakahandang patuloy na igalang ang kani-kanilang nukleong interes at mga pangunahing pagkabahala.
Sinabi niyang umaasa ang kanyang bansa na palalawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa berdeng pag-unlad, pagharap sa pagbabago ng klima, paglalayag, agrikultura at pangingisda, bagong enerhiyang sasakyan at AI.
Saad ni Store na kinakatigan ng kanyang bansa ang malayang kalakalan, nakahandang palakasin ang komunikasyon at kooperasyon sa Tsina sa ilalim ng multilateral na balangkas na gaya ng Group 20, at sinusuportahan ang pagpapahigpit ng kooperasyon sa pagitan ng Unyong Europeo at Tsina.
Bukod dito, tinalakay din ng dalawang panig ang mga mahahalagang isyu tulad ng krisis ng Ukraine.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil