Ministrong Panlabas ng Tsina at Singapore, nag-usap

2024-09-10 15:02:40  CMG
Share with:

Nag-usap kahapon, Setyembre 9, 2024 sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Vivian Balakrishnan ng Singapore.

 

Ipinahayag ni Wang na kasama ng Singapore, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang paghugpong ng estratehiya ng pag-unlad at ipatupad ang bagong pagpoposisyon ng isang all-round, de-kalidad at pakikipagtulungan sa hinaharap na magkasamang itinakda ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Aniya, dapat magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang antas ng malayang kalakalan ng Tsina at ASEAN.

 

Sinabi naman ni Balakrishnan na iginigiit ng Singapore ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Saad niyang ang taong 2025 ay ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at nakahanda ang bagong pamahalaan ng Singapore na samantalahin ang pagkakataong ito para pasulungin ang pagpapalagayan sa mataas na antas at palawakin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil