Wang Yi, dadalo sa ika-14 na pulong ng mga matataas na opisiyal ng BRICS sa pambansang seguridad

2024-09-10 14:59:24  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Setyembre 9, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalia ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Sergei Shoigu, Kalihim ng Security Council ng Rusya, dadalo si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyong Sentral ng Ugnayang Panlabas at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa ika-14 na pulong ng mga matataas na opisyal at tagapayo ng BRICS (Brazil, Rusya, India, Tsina, Timog Aprika) sa mga suliranin ng pambansang seguridad na idaraos mula Setyembre 11 hanggang 12 sa St. Petersburg ng Rusya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil