Ika-21 CAExpo, idaraos sa Nanning

2024-09-11 17:15:33  CMG
Share with:

Idaraos mula Setyembre 24 hanggang 28, 2024 sa lunsod Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-21 China-ASEAN Expo (CAExpo).

 

Kalahok dito ang mahigit 3,000 kompanya, at halos 200,000 metro kuwatrado ang buong saklaw ng lugar-eksbisyon.

 

Ang Malaysia ay Country of Honor ng Ika-21 CAExpo.

 

Bukod dito, idaraos din sa lunsod mula Setyembre 24 hanggang 25, ang Ika-21 Summit ng Komersyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN.

 

Samantala, lumalaki ng 7.5% ang paglaki ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN kada taon mula noong taong 2013.

 

Ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nakaraang 15 taong singkad, at ang ASEAN naman ang pinakamalaking trade partner ng Tsina nitong nakaraang 4 na taon.

 

Mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umabot sa $US552 bilyon ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN, na lumaki ng 7.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Sa kabilang dako, nasa 15.8% ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina sa gayunding panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio