Idinaos ng Tsina at Pilipinas, Setyembre 11, 2024 sa Beijing ang Bilateral Consultation Mechanism (BCM) hinggil sa South China Sea (SCS).
Ito’y magkasamang pinanguluhan nina Chen Xiaodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina; at Maria Theresa Lazaro, Pangalawang Kalihim Panlabas ng Pilipinas.
Matapat at malalim na nag-usap ang kapuwa panig hinggil sa mga isyung pandagat, partikular, tungkol sa Xianbin Jiao.
Inulit ng panig Tsino ang prinsipyo at paninindigan nito, at hinimok ang panig Pilipino na agarang tanggalin sa nasabing lugar ang BRP Teresa Magbanua.
Matatag na pangalagaan ng Tsina ang soberanya nito at susunod sa Declaration on the Conduct (DOC) of Parties in the South China Sea, dagdag ng panig Tsino.
Sumang-ayon naman ang dalawang panig na panatilihin ang komunikasyon sa pamamagitan ng mga diplomatikong tsanel na tulad ng BCM at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio