Maayos na pagkontrol sa mga alitang pandagat sa pamamagitan ng mapagkaibigang negosasyon, sinang-ayunan ng Tsina at Pilipinas

2024-01-19 16:57:24  CMG
Share with:

Ginanap, Enero 17, 2024 sa Shanghai, Tsina ang ang ika-8 pulong ng China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism (BCM) on the South China Sea (SCS).

 

Kaugnay nito, isinalaysay Biyernes, Enero 19, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinalalagay ng kapuwa panig na dapat ipatupad ang mga komong napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa mga isyung pandagat, at maayos na pangasiwaan at kontrolin ang mga kontradiksyon at alitang may kinalaman sa dagat.

 

Dagdag ni Mao, kapuwa ipinalalagay nilang dapat walang humpay na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa dagat, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa dagat.

 

Napagkasunduan din ng kapuwa panig na ibayo pang i-optimisa ang mekanismo ng pag-uugnayang may kinalaman sa dagat, at sinang-ayunang pasulungin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng bantay-dalampasigan, siyensiya’t teknolohiyang pandagat at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil