Sa kanyang liham na pambati, Setyembre 13, 2024, para sa pagbubukas ng Ika-11 Beijing Xiangshan Forum, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa harap ng pandaigdigang pagbabago, at ekspektasyon ng mga mamamayan hinggil sa seguridad at katatagan, ipinapatupad ng Tsina ang Global Security Initiative (GDI) at nagsisikap ito para sa magkakasamang patatatag ng daigdig na may pangmagatalang kapayapaan at panlahat na katiwasayan.
Umaasa siyang patuloy na itataguyod ng kasalukuyang porum ang diwa ng pagkakapantay-pantay; pagiging bukas; pagiging inklusibo at pag-aaral sa karanasan ng isa't-isa; pagpapalalim ng pagtitiwalaan, at pagbibigay ng mas malaking ambag para sa magkakasamang pagharap sa pandaigdigang hamon at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Ang tema ng nasabing pulong ay “Promoting Peace for a Shared Future.”
Salin:Sarah
Pulido:Rhio