De-kalidad na pag-unlad at konserbasyong ekolohikal ng Yellow River basin, patuloy na pasusulungin ng Tsina

2024-09-13 15:44:25  CMG
Share with:

Sa pulong hinggil sa konserbasyong ekolohikal at de-kalidad na pag-unlad ng Yellow River basin Huwebes, Setyembre 12, 2024, sa lunsod Lanzhou, lalawigang Gansu, gawing hilagang-kanluran ng Tsina, ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang pagpapasulong sa bagong lebel ng proteksyong ekolohikal ng nasabing lugar, pagpapatupad ng makabagong progreso sa berdeng transpormasyon, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamamayan.

 


Kailangan aniyang patuloy na pabutihin ang pangkalahatang framework ng proteksyong ekolohikal at kooperasyon sa Yellow River basin, upang palakasin ang hangganan ng pambansang seguridad na ekolohikal.

 


Hinimok niya ang lahat ng may kinalamang panig, na pag-ibayuhin ang pagpigil at pagkontrol sa polusyon, at pag-ukulan ng pansin ang pangangasiwa sa mahahalagang sangay, lawa, at imbakan ng tubig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio