MOU sa kopirayt, nilagdaan ng Tsina at Kambodya

2024-09-13 16:35:53  CMG
Share with:

Nilagdaan kamakailan sa Beijing ng National Copyright Administration ng Tsina at Ministry of Culture and Fine Arts ng Kambodya ang memorandum of understanding (MOU) hinggil sa kooperasyon sa pangangalaga ng likhang-isip, at ibang kinauukulang karapatan.

 

Ang MOU ay isa sa mga bunga ng pulong sa mataas na antas ng Ika-3 “Belt at Road” sa Intellectual Property Rights (IPR).

 

Sinasagisag nito ang lalo pang pagpapalalim at pagpapalawak ng kooperasyon ng Tsina at Kambodya hinggil sa kopirayt, at gumaganap din ito ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng impluwensya ng kopirayt ng Tsina sa daigdig at pagsusulong ng kooperasyon ng kopirayt sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa timog-silangang Asya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio