CMG Komentaryo: Daigdig, nakita ang puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng CIFTIS

2024-09-15 16:19:52  CMG
Share with:

Kasalukuyang idinaraos sa Beijing ang 2024 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).

 

Sa kanyang mensaheng pambati sa pagbubukas ng perya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, na “10 CIFTIS na ang matagumpay na naidaos sa bansa, at ang mga ito ay nagbigay ng positibong ambag sa pagtatatag ng bukas na pandaigdigang kabuhayan.”

 

Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, umabot sa mahigit 657.5 milyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng serbisyo ng Tsina noong taong 2023 na lumikha ng baong rekord sa kasaysayan.

 

Ang masiglang pag-unlad ng merkadong panserbisyo ng Tsina ay nagdulot ng napakalaking pagkakataon para sa mga multinasyunal na negosyo.

 

Noong unang hati ng taong ito, umabot sa 2.1 trilyong yuan RMB ang pag-aangkat ng serbisyo ng Tsina na lumaki ng 16.4% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Ipinalabas ng pamahalaang Tsino sa 2024 CIFTIS ang serye ng mga hakbangin hinggil sa “maayos na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng merkadong panserbisyo” at iba pang kinauukulang hakbanging lalo pang magpapalakas sa kompiyansa ng mga kompanyang dayuhan na magpalawak ng negosyo sa Tsina.

 

Sa pamamagitan ng 2024 CIFTIS, nakita ng buong daigdig ang kapasiyahan ng Tsina sa pagpapasulong sa dekalidad na pag-unlad ng kalakalan ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas, at napakalaking pagkakataon ng modernisasyong Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio