CMG Komentaryo: Pangangalaga sa katatagan ng SCS ay komong mithiin ng mga rehiyonal na bansa

2024-09-15 16:22:28  CMG
Share with:

Mula Setyembre 11, 2024, hanggang Setyembre 13, 2024, sunud-sunod na idinaos ang: Bilateral Consultation Mechanism (BCM) ng Tsina at Pilipinas hinggil sa South China Sea (SCS), Ika-11 Beijing Xiangshan Forum, at Ika-22 Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Tsina at mga bansang ASEAN hinggil sa Pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct (DOC) of Parties in the South China Sea.

 

Ang nabanggit na tatlong pulong ay may kaugnayan sa isyu ng SCS, at ang mga ito ay naglabas ng komong signal: ang maayos na paghawak ng alitan at pangangalaga sa katatagan ng kalagayan ng SCS ay komong mihitiin, at angkop sa kapakanan ng rehiyon.

 

Maliwanag na ipinakita ng mga pulong ang paninindigan ng Tsina sa paglutas ng pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, at hindi pagkompromiso sa soberanya nito sa SCS.

 

Sa harap ng nagbabagong kalagayang pandaigdig, ang pagsasakatuparan ng Global Security Initiative (GSI) at pagtatatag ng SCS bilang dagat ng kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon ay komong mithiin ng lahat ng rehiyonal na bansa.

 

Patuloy na nagsisikap ang Tsina para sa layuning ito, at dapat agarang bumalik ang Pilipinas sa komong mithiing ito, at piliin ang landas na tunay na angkop sa sariling interes.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio