CCG: iniurong na ang bapor 9701 ng PCG mula sa Xianbin Jiao

2024-09-15 16:27:32  CMG
Share with:

Ipinahayag Setyembre 15, 2024, ni Liu Dejun, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG) na iniurong na Setyembre 14, 2024, ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Teresa Magbanua  mula sa Xianbin Jiao ng Tsina.

 

Aniya, hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na itigil ang paglapastangan sa soberanya nito at sikapin, kasama ng Tsina, na pangalagaan ang Declaration on the Conduct (DOC) of Parties in the South China Sea.

 

Ang Tsina ay mayroong hindi mapag-aalinlangang soberanya sa Nansha Qundao, na kinabibilangan ng Xianbin Jiao, at mga katabing tubig nito, aniya.  Matatag aniyang pangangalagaan ng China Coast Guard (CCG) ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio