Mula noong Mayo hanggang Hulyo ng 2024, magkakasamang isinagawa ng South China Sea Development Research Institute ng Ministri ng Likas na Yaman ng Tsina at ibang departamento ang pagtasa sa kondisyon ng ekosistema ng bahura ng mga koral sa Xianbin Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina, at inilabas ngayong araw, Agosto 30, sa kauna-unahang pagkakataon ang ulat hinggil dito.
Anang ulat, may di-mapapabulaang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Xianbin Jiao at nakapaligid na karagatan, at ito ay may lubos na batayang historikal at pambatas.
Ayon sa resulta ng pagtasa, kumpara noong 2012, nananatiling matatag sa kabuuan ang saklaw ng koral ng reef-building coral sa Xianbin Jiao sa kasalukuyang taon.
Inihayag ni Huang Huamei, Pangalawang Puno ng South China Sea Development Research Institute na walang anumang batayan sa agham at katotohanan ang pananalitang ang artipisyal na pagbunton ng Tsina ng mga debri ng koral sa Xianbin Jiao ay humantong sa pamumuti ng koral at pagkamatay nito na niluto ng Pilipinas.
Salin: Vera
Pulido: Ramil