Talumpati ni Xi Jinping sa ikalawang pulong na plenaryo ng Ikatlong Plenum ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC, inilabas

2024-09-16 17:44:06  CMG
Share with:

Inilabas, ngayong araw, Setyembre 16, 2024, sa ika-18 isyu ng Qiushi Journal, opisyal na magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang talumpati ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, sa ikalawang pulong na plenaryo ng Ikatlong Plenum ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC.

 

Sa talumpati, sinabi ni Xi, na batay sa mga karanasan sa pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas, lalung-lalo na sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma sa bagong panahon, lubos na inanalisa ng resolusyon ng naturang plenum ang bagong kalagayan at mga pangangailangan ng pagpapasulong sa modernisasyong Tsino, pinagtipun-tipon ang katalinuhan ng buong partido at lipunan, at ginawa ang pangkalahatang plano para sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma na nakatuon sa modernisasyong Tsino.

 

Hiniling niyang malalim na pag-aralan ang mga diwa ng plenum, para unawain ang mga tema, mahalagang prinsipyo, pangunahing hakbangin at saligang garantiya sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma na nakatuon sa modernisasyong Tsino.

 

Dapat din aniyang buong husay na ipatupad ang mga plano sa resolusyon, lalung-lalo na dapat palakasin ang pamumuno at pag-organisa sa reporma, koordinahin ang iba’t ibang plano, suportahan ang inobasyon, at kamtan ang mga pragmatikong bunga.


Editor: Liu Kai