Isinapubliko, Hulyo 21, 2024 ang buong teksto ng Resolusyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Ibayo pang Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma tungo sa Pagsulong ng Modernisasyong Tsino.
Kabilang sa laman nito ay kahalagahan at pangkalahatang kahilingan sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma tungo sa pagsulong ng modernisasyong Tsino; mga aktuwal na hakbangin at target gaya ng pagtatatag ng sistema ng sosyalistang merkadong kabuhayan sa mataas na antas, pagkumpleto ng sistema at mekanismo ng pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, pagbuo ng sistema at mekanismo ng pagsuporta sa inobasyon sa iba’t-ibang larangan, pagkumpleto ng sistema ng pangangasiwa sa makro-ekonomiya, pagpapabuti ng sistema at mekanismo ng integradong pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan, pagpapabuti ng sistema at mekanismo ng pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, pagkumpleto ng sistema ng buong-prosesong demokrasiyang-bayan, pagpapabuti ng sosyalistang sistema ng pangangasiwa batay sa batas, pagpapalalim ng reporma sa sistema at mekanismo ng kultura, pagkumpleto ng sistema ng paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapalalim ng reporma sa sistema ng sibilisasyong ekolohikal, pagpapasulong sa modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pambansang seguridad, pagpapalalim ng reporma sa hukbo at tanggulang bansa, at pagpapalakas ng pamumuno ng partido sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma.
Ang nasabing resolusyon ay pinagtibay, Hulyo 18 sa ika-3 sesyong plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng CPC.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio