Ayon sa ulat, puwersahang pinasok at kinontrol ng pulis ng pansamantalang institusyon sa Pristina ang mga institusyon ng etnikong Serbs sa kahilagaan ng Kosovo. Inaresto ng panig pulis ng Kosovo ang 4 na Serbs at sinamsam ang salaping Serbian sa Pambansang Bangko ng Serbia sa dakong hilaga ng Kosovo.
Bunsod nito, muling umigting ang situwsyon sa rehiyong Kosovo. Sa kanyang talumpati sa telebisyon, ginawa ni Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia ang isang malakas na reaksyon sa pangyayaring iyo.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 16, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na tulad ng dati, iginagalang ng panig Tsino ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Serbia.
Ipinalalagay aniya ng panig Tsino na dapat igarantiya ang kaligtasan at lehitimong karapatan at kapakanan ng etnikong Serbs sa rehiyong Kosovo. Hindi nakakatulong ang unilateral na aksyon sa pagresolba ng isyu, at nakakaapekto lang sa kaligtasan at katatagan sa rehiyon, aniya.
Dagdag pa niya, dapat patuloy na isagawa ng mga kaukulang panig ang pragmatiko at konstruktibong diyalogo upang aktibong hanapin ang pangmatagalang kalutasan sa isyu ng Kosovo.
Salin: Lito