Sa espesyal na pulong ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) hinggil sa isyu ng Palestina, Setyembre 17, 2024, ipinanawagan sa Israel ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang agarang pagtapos sa iligal na pagsakop sa teritoryo ng Palestina.
Aniya, sa sandaling matapos ang pagsakop ng Israel sa teritoryo ng Palestina at maitatag ang independiyenteng estado ng Palestina, maisasakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel at kanilang mga mamamayan, at pangmatagalang kapayapaan sa Gitnang-silangan.
Dagdag ni Fu, ang pagsasakatuparan ng two-state solution ay ang tanging paraan sa paglutas sa isyu ng Palestina at ito rin ay malawakang komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio