Sa kanyang taluumpati Setyembre 16, 2024 sa bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa isyu ng Palestina at Israel, hinimok ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa UN, ang panig Amerikano na ipakita ang responsableng atityud, patingkarin ang mahalagang impluwensiya sa kaukulang panig, at isagawa ang aktuwal na aksyon sa pagpapasulong ng pagpapatupad ng Israel ng kahilingan ng resolusyon ng UNSC na agarang itigil ang mga aksyong militar para makapagbigay ng pag-asa para sa pagkaligtas ng buhay ng mga mamamayang Palestinian.
Sinabi niya na sa kabila ng paulit-ulit na malakas na pananawagan ng komunidad ng daigdig na itigil ang putukan at pagpatay, hindi pa itinigil ang mga aksyong militar ng Israel na nagbunsod ng kamatayan ng mahigit 41 libong sibilyang Palestinian.
Tulad ng sinabi ng mga tagapag-analisa, kung hindi paulit-ulit na naghaharang ang Amerika, maaaring pagtibayin ng UNSC ang resolusyon na humiling sa tigil-putukan sa simula pa lamang ng sumiklab ang bakbakan, at kung hindi paulit-ulit na pumapanig ang Estados Unidos, ang mga resolusyon ng UNSC ay hindi tahasang tinanggihan, ani Geng.
Sinusuportahan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng UNSC ng ibayo pang aksyon upang agarang itigil ang putukan, mapahupa ang makataong krisis at maisakatuparan ang kapayapaang panrehiyon sa lalong madaling panahon, diin pa ni Geng.
Salin: Lito