Setyembre 17,2024, Hanoi, Biyetnam – Sa kanyang pagtanggap sa kredensyal ni He Wei, bagong Embahador ng Tsina sa bansa, sinabi ni To Lam, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansa, na gagawing priyoridad ng Biyetnam ang relasyon sa Tsina.
Aniya, ang kasalukuyang relasyon ng Biyetnam at Tsina ay nasa walang katulad na bagong antas, kaya ang ika-75 anibersaryo ng relasyon ng dalawang bansa sa susunod na taon ay dapat gawing pagkakataon.
Kailangan din aniyang magpokus ang dalawang panig sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, at isagawa ang komprehensibong kooperasyon sa mataas na antas para sa benepisyo ng mga Biyetnames at Tsino.
Ipinahayag naman ni He, na sa pamumuno ng mga lider ng dalawang panig, sinimulan na ng Tsina at Biyetnam ang pagtahak sa bagong landas ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan na may estratehikong katuturan.
Nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Biyetnam para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio