Mensaheng pambati, inihayag ng premyer Tsino sa Ika-68 Pangkalahatang Pulong ng IAEA

2024-09-18 11:20:04  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Setyembre 16, 2024, bilang pambati sa Ika-68 Pangkalahatang Pulong ng International Atomic Energy Agency (IAEA), sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na sapul nang sumapi ang kanyang bansa sa nasabing ahensya, 40 taon na ang nakakaraan, palagi itong nakasuporta sa mga gawain sa IAEA.

 

Sa katunayan, itinatag aniya ng dalawang panig ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at natamo ang masaganang bunga na nag-ambag sa pandaigdigang pangangasiwa at pag-unlad ng enerhiyang nuklear.

 

Handa ang Tsina na ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa IAEA at mga kasaping bansa nito para maging mas makatarungan at makaturiwan ang pandaigdigang pangangasiwa sa enerhiyang nuklear, maging mas inklusibo ang pag-unlad ng enerhiyang nuklear, at maging mas bukas at maayos ang kooperasyon sa enerhiyang nuklear.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio