Pinanguluhan Miyerkules, Setyembre 18, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang ehekutibong pulong ng Konseho ng Estado ng bansa, para pag-aralan ang mga hakbangin sa pagpapasulong sa pag-unlad ng venture capital.
Ayon sa pulong, kailangang alisin ang mga bottleneck at hadlang sa venture capital cycle, na kinabibilangan ng pangingilak ng pondo; pamumuhunan, pangangasiwa at paglabas; suportahan ang paglilista ng mga kuwalipikadong bahay-kalakal ng siyensiya’t teknolohiya sa merkado sa loob at labas ng bansa; at pasulungin ang positibong sirkulasyon ng industriya ng venture capital.
Pinakinggan din sa pulong ang ulat hinggil sa kalagayan ng produksyon ng pagkaing-butil at gawaing agrikultural sa kasalukuyang taon.
Ayon sa pulong, kailangang isagawa ang mga hakbangin upang maigarantiya ang masaganang ani ng pagkaing-butil sa taglagas, na kinabibilangan ng mga hakbangin sa pagpapalakas ng pagbabala at pagpigil sa kapahamakan, at pag-oorganisa ng mga makinaryang agrikultural para sa pag-ani.
Salin: Vera
Pulido: Rhio