Komunikasyon para sa kapayapaan at katatagan ng Hilagang-silangang Asya, palalakasin ng Tsina’t Timog Korea

2024-09-19 16:53:52  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Setyembre 18, 2024, dito sa Beijing, kay Kim Tae-nyeon, Pangulo ng South Korea-China Parliamentarians' Union, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na patuloy at matatag ang patakaran ng Tsina sa Timog Korea, at umaasa ang panig Tsino na kasama nitong tatahak ang panig Timog Koreano tungo sa parehong layunin.

 


Kailangan din aniyang patibayin ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan, para pasulungin ang pangmagatalan, matatag at malusog na relasyong Sino-Timog Koreano.

 

Nakahandang hanapin ng Tsina ang mga hakbangin upang lalo pang guminhawa ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig, sabi ni Wang.

 

Ipinahayag naman ni Kim at ibang kalahok, na nakahandang magsikap ang kanilang, kamasa ng Tsina para palakasin ang estratehikong komunikasyon, at pabutihin ang pagpapalitan ng mga mamamayan para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng Hilagang-silangang Asya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio