Ministrong panlabas ng Tsina, kinatagpo ng pangulong Ruso

2024-09-13 16:41:00  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Setyembre 12, 2024 sa St. Petersburg, Rusya kay Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, inihayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pananabik sa pagdalo ng panig Tsino sa 2024 BRICS Summit sa Kazan sa susunod na buwan.

 

Aniya, nakahandang gawing pagkakataon ng panig Ruso ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Rusya at Tsina sa kasalukuyang taon, upang ipatupad ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang relasyong Ruso-Sino sa makabagong antas.

 

Pinasalamatan din ni Putin ang suporta ng panig Tsino sa panunungkulan ng Rusya bilang tagapangulong bansa ng BRICS.

 


Sinabi naman ni Wang, na sa ilalim ng mga estratehiya ng mga lider ng dalawang bansa, malusog at matatag na umuunlad ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya sa makabagong panahon.

 

Nakahanda aniya ang bansa na panatilihin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa panig Ruso, at pagbuklud-buklurin ang mas maraming bansang may komong mithiin, upang pasulungin ang proseso ng multi-polarisasyon ng mundo.

 

Saad ni Wang, ang Kazan Summit ay unang summit pagkatapos ng ekspansyon ng BRICS.

 

Kasama ng mga katuwang ng BRICS, nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan, at gawin ang ambag para sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa isyu ng Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio