Naging patok sa katatapos na bakasyon ng Mid-Autumn Festival o Mooncake Festival mula Setyembre 15 hanggang 17 ngayong taon, ang merkado ng turismong kultural sa Tsina.
Ayon sa opisyal na estadistika, nasa 107 milyon person-time ang domestikong biyahe ng mga turista sa bansa, at umabot naman sa mahigit 51 bilyong yuan RMB ang kanilang kabuuang gastos.
Pinagsama ng maraming lugar sa Tsina ang kultura ng Mid-Autumn Festival at mga kaganapang panturismo, at ginanap ang mga aktibidad na gaya ng pag-akyat sa bundok para pagmasdan ang bilog na buwan, perya ng mga parol, pagtatanghal ng mga di-materyal na pamanang kultural, at iba pa. Ang mga ito ay naging bagong punto para sa pagkonsumo ng mga turista.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio
Panahon ng mga ligaw na kabute sa Yunnan, dinadagsa ng mga turista
Turista, ikinatuwa ang mga produktong tampok sa Temple of Heaven
Pambihirang karanasan sa disyerto, inihahatid ng Xinjiang sa mga turista
Katangi-tanging tanawin ng dating minahan, ikinatutuwa ng mga turista
Halos 300 milyon, biyahe ng domestikong turista sa Tsina sa May Day holiday