Inihayag, Setyembre 19, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat matatag at maayos na isagawa ang reporma sa unti-unting pagpapataas ng edad sa pagre-retiro.
Ang naturang reporma aniya ay angkop sa obdyektibong pangangailangan para masiglang maharap ang pagtanda ng populasyon ng Tsina, at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng populasyon.
Ito rin aniya ay tugon sa praktikal na pangangailangan para lubos na dagdagan ang mga dibidendo ng talento at pasulungin ang modernisasyong Tsino.
Tinukoy ni Li na ang reporma ay mahalagang hakbangin para paigihin ang sistema ng seguridad-panlipunan, at mas magandang maigarantiya at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang pagpapalawak ng hanap-buhay ay isang mahalagang hakbangin para suportahan ang nabanggit na reporma, dagdag pa niya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio