Espesyal na halagang pulitikal ng CPPCC, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina

2024-09-21 15:05:04  CMG
Share with:

Idinaos sa Beijing Setyembre 20, 2024 ang pulong bilang paggunita ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC).


Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang CPPCC ay isang dakilang inobasyon sa sistemang pulitikal. Ito aniya ay isang siyentipiko at mabisang sistematikong pagsasaayos na may malinaw na katangiang Tsino at bentaheng pulitikal, at mayroon itong espesyal na halagang pulitikal sa kasaysayan ng pag-unlad ng sistemang pulitikal ng sangkatauhan.


Sinabi ni Xi na mahalagang bahagi ng demokrasya ng mga mamamayan ang konsultatibong demokrasya, at ito ay espesyal na porma at bentahe ng demokratikong pulitikal ng sosyalismong Tsino.


Nitong 75 taong nakalipas, palagiang iginigiit ng CPPCC ang dalawang paksang kinabibilangan ng pagkakaisa at demokrasya, ginagawa ang marami at mabisang gawain sa iba’t-ibang panahong historikal, at napapatingkad ang napakahalagang papel.


Matatandaang mula noong Setyembre 21 hanggang 30, 1949, bisperas ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), dumalo sa unang sesyong plenaryo ng CPPCC ang mahigit 600 kinatawan mula sa iba’t-ibang sektor ng buong bansa.


Salin: Lito